Ang maayos na kagalingan ay hindi isang aksidente, ito ay dapat pangalagaan at proteksyonan. Ang matatag na ugnayan sa lipunan ay mahalaga para sa ating masayang pamumuhay at kalusugan, kaya bilang bahagi ng pamayanan, ito ay nagdudulot ng pakiramdam na tayo ay nabibilang sa lipunan, na tayo ay may layunin at kaugnayan. Makisali sa ating padiriwang ng Linggo ng Kamalayan sa Kalusugan ng Pag-iisip at ating ipagdiwang ang lakas na taglay ng ating pamayanan sa pag-angat ng ating kabuuang pagkatao https://mhaw.nz/
Lunes
Tulungan ang iba sa pamamagitan ng maliit ngunit makabuluhang bagay. Kahit simpleng aksyon tulad ng pagbubuhat ng mag pianmili or pagbkuas ng pintuan para sa isang estranghero, ang gaitong paraan ay nagbubunga ng impluwensya sa iba upang gumawa din na kabutihan na nakapag papatatag sa komunidad.
Simulan ang linggo ng pagagwa ng kabutihan. Sa unang araw ng Linggo ng Kamalayan sa Kalusugan ng Pag-iisip, maglaan ng oras upang makatulong sa iba sa pamamagitan ng maliit ngunit makabuluhang bagay. Kahit simpleng aksyon tulad ng pagbubuhat ng mga pinamili or pagbukas ng pintuan para sa isang estranghero, ang gaitong paraan ay nagbubunga ng impluwensya sa iba upang gumawa din na kabutihan na nakapag papatatag sa komunidad.
Mga ideya kung paano makakatulong sa iba ngayong araw na ito:
- May kakilala ka ba na madmaing pinagdadaanan sa buhay ngayon?
Dalhan mo sila ng pagkain upang hindi na sial magluto or tulungan mo sila sa pamamangitan ng paglpapalakad ng kanilang aso.
- Gumawa ng paraan upang mapadlai ang trabaho ng iyong kasamahan sa trabaho. Tulungan mo silang makumpleto ang mga bagay na hindi nila natapos gawin or ipagtimpla mo sila ng tsaa or kape upang makagaan sa kanilang araw at magpatuloy.
- Huminto at pagbigyan ang sasakyan na nasa harapan mo. Tingan mo kung paano ang magiging reaksyon ng iba sa magalang na aksyon na ginawa mo.
- Mag alok ng tulong sa iyong kaibigan na alagaan ang kanilang anak/ mga anak sa hapon, upnag makapaglaan sila ng oras sa kanilang sarili.
- Mag boluntaryo ng konting oras- maraming mga grupo sa komunidad na nagnanais ng iyong tulong
- Magbiagy ng taos pusong papuri sa isang kaibigan, kapamilya o kahit sa isang hindi kakilala.
- Maglaan ng oras upang pakinggan ang siang tao na nangangailangan ng kausap, at bigayn sila ng buong atensyon at suporta.
Naghahanap ka ba ng ideya para sa mga bata? Tuklasin ang kasagutan sa Check out Sparklers Everyday Kindness at ang mga gawain sa Can’t Do it Without You upang matulunga silang alamin kung paano na ang kabutihan ant pagtulong s aiba ay nakakapagpalakas ng isang pagkatao.
Ang impormasyon sa koneksyong ito ay para sa wikang English lamang.
Martes
Tuklasin at suportahan ang mga negosyong at mga samahan sa isang pamayanan. Bumili ng kanilnga mga produkto, banggitin sila sa social media or irekomenda sila sa ating mga kaibigan na ating kasama sa kapihan.
Hindi sikreto sa atin na ang pandemya, pagtaas ng presyo at kakaibang uri ng panahon ay nagdudulot ng kahirapan sa ating mga lokal na negosyo at mag samahan sa loob ng maraming taon. Ngayo, hinihikayat namin kayo na suportahan ang ating mga mangangalakal at mag samahan sa komunidad.
Bakit hindi ka bumilin ng regalo sa isang lokal na manlilikha or ibahagi sa sosyal media ang isang kamangha manghang negosyo? Ang mallit na suporta ay malayo ang mararating sa oras ng kahirapan
Kung nais sumuporta sa mag negsoyo ng kapitbahay or komunidad ngayon, maaari monggawin ang mag sumusunod:
- Maglaan ng panahon upang inisin ang mga tokador. Ipamigay sa mag lokal na kawanggawa ang mga laruan, kagamitang pang isports, o mga damit na hindi mo na ginagamit.
- Mayroon ka bang alam na mga negosyo o samahan na may mga kanais nais na ginagawa para sa komunidad? Ipagsabi mo ito sa iba sapamamgitan ng sosyal media or sa pamamagitan ng pagbibbagy ng komento sa kanila.
- Banggitin sa usapan ng iyong mga kaibigan ang mga tindahan na iyong nagustuhan. Tanungin din sila ng kanilang mga rekomendasyon.
- Kung ikaw ay pipili ng kapeng inumin or merienda pagpunta sa iyong trabaho, bakit hindi mo subukan ang mag bagong kapihan na ninanais mong tingnan.
- Suportahan ang mag lokal na negosyi sapamamagitan ng pagbigay ng papuri sa kanila. Bigyan sila ng pasasalamat sa personal na paraan o kaya ay sa pamamagitan ng sulat o e-mail.
- Maari mo ding isali ag iyong mga anak sa pamamagitan ng paggamit ng Sparklers‘ Sneaky Thank You Cards na mag gawain. Ang inyong suporta ay makapagdudulot ng magandang araw para sa kanila.
- Kailangan mo bang mamili ng mga gulay para sa hapunan? Suportahn ang ga lokal na pamilihan ng gulay o palengke upang mamili ng mga sariwang paninda.
Ang impormasyon sa koneksyong ito ay para sa wikang English lamang.
Miyerkules
Makipag ugnayan sa miyembro ng pamilya o kaibigan na matagql mo ng hinid nakikita. Bkait hindi mo sila tawagan, makipag kita sa personal or online, or padalan sila ng ating libreng postcard.
Ang pakiramdam ng pagkakaroon ng koneksyon ay may kinalaman sa matatag na pagkatao, dahil ito ay nagbibigay ng pakiramdam ng pagpapahalaga, kaligtasan, suporta at layunin. Bigayn mo ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay ng panahong maging malakas sa loob ng isang linggo, sa pamamagitan ng pag abot sa kaibigan o kapamilya na gusto mong makasama, kahit sa pamamagitan ng online na koneksyon.
Maari kang makipag ugnayan sa mag mahahalagang tao sa buhay mo ngayon sa pamamagitan ng:
- Pagpapadala ng mensahe, pakikipag-usap, pagkakaroon ng knekyson sa personal o online, paggamit ng mag postcards upnag kumonekta sa kanila na mahal mo sa buhay na matagal mo ng hindi nakakausap.
- Sabihan mo ang mga bata na sumulat, gumuhit ng larawan para sa mga nais nilang konektahin.
- Maghanda ng pagkain para sa merienda sa umaga para sa iyong kasamahan sa trabaho. Bigyang kasiyahan ang sarili sa pagkonekta sa kanila.
- Isama ang iyong kaibigan sa paglalakad upang masiyahan sa kagandahan ng paligi. Lumabas at puntahan ang magagandang pasyalan, mga lakaran sa lokal na parke at langhapin ang sariwang hagnin sa tabing dagat. Maging masaya habang nakikipag usap sa kanila.
- Kasama nag iyong pamilya, subukang gawin ang mga ehersisyong ito na nakakapagpalakas sa isa’t isa.
- Kung may kakilala kang tao na may mabigat na pinagdadaanan, kamustahin mo sila, makidama at pakinggan ang kanilang hinaing sa buhay.Makikita mo ang mga imporamsyon tungkol dito kung paano magkaroon ng ligta at suportadong pag uusap.
- Abtuin ang mag nalulungkot sa buhay, imbitahan silang maglaan ng oras na makasama mo sila.
- Kung ikaw ay nalulungkot, tandaan na ang ganitong pakiramdam na nag iisa ay normal na karanasan, ayos lang na makaramdam ng ganito. Sa pamamagitan ng pag abot sa iba, nakkatulong ka sa iba at natutulungan mo din ang iyong sarili.
Huwebes
Ipakilala ang iyong sarili sa kapitbahay, sa magulang sa paaralan ng iyong anak, o kaya ay sa mga taong nasa kapihan. Ang pagbuo ng koneksyon sa mga taong nakapaligi sa iyo ay nagbubunga nga pagkakaroon ng suporta, na nandyan lamang sa tabi mo.
Habang nalalapit tayo sa katapusan ng linggo, maglaan ng oras upang kumonekta sa isang tao s aiyong kapaligiran na hindi mo pa nakakausap. Ipakilala mo ang iyong sarili sa kapitbahay, sa magulang sa paaralan ng iyong anak, o kaya ay sa mga taong nasa kapihan. Ang pagbuo ng koneksyon sa mga taong nakapaligi sa iyo ay nagbubunga nga pagkakaroon ng suporta, na nandyan lamang sa tabi mo.
Upang makilala mo ang isa sa mga tao sa iyong paligid ngayon, maaari mong gawin ang mga ito:
- Makipagkilala sa bagong katrabaho at tanungin sila kung nais nila ng tulong at imbitahan silang magmerienda or mananghalian.
- I-tsek ang “What’s On na kaledaro sa MHAW website upang malaman ang mga okasyon sa lugar nyo ngayon. O kaya ay maghand ang sariling pagtitipon, gamit ang ating pinagkukunan ng impormasyon “ Paano mag handa ng isang okasyon” upang mapagplanuhan ito.
- Kilalanin ang iyong mga kapitbahay. Imbitahan silang sa isang salu salo na hapunan o kaya ay isama sialng pumasyal sa loakl na parke at magpiknik.
- Sumali sa ag aaral na pang grupo- mag aral panno tumugtog ng instrument, sumali sa samahan na panglibro, o makisayaw at tuklasin ang mag bagong galaw. Hindi ka lamang matututo ng bagong kaalaman, makikilala mo din ang bagong kapaligiran.
- Batiin ng “Kia Ora” ang mga tsuper ng bus, tagapangasiwa ng pagsisiyasat, o lokal na barista at kamustahin ang araw nila. Ang mga maliit na bagay na tulad nito ay nakakatulong mapatatag ang iyong konkesyon sa komunidad at nakakapagdulot ng magandang pagkatao.
- Bumuo ng samahan sa paglilinis ng inyong paligid. Maaring linisin ang mga local na ilog, dagat o parke. Maari ding magsimula ng proyekto sa pagtatanim ng mga puno. Itio ay mabisang paraan na makakilala ng bagong kaibigan sa iyong komunidad habang nakakatulong sa magandang Aotearoa. I-tsek ang website ng Department of Conservation para sa mga ideya.
Biyernes
Gaano kagandang tapusin ang buong linggo sa pamamagitan ng pasasalamat sa isang tao sa iyong komunidad? Gamitin ang ating poster sa pagtanaw ng utang na loob upang ipakita ang iyong pasasalamat sa tagapangasiwa ng pagsisiyasat, tagahatid ng sulat, loakl na boluntaryo…kahit sino man na tumutulong sa iyong komunidad.
Gaano kagandang tapusin ang buong linggo sa pamamagitan ng pasasalamat sa isang tao sa iyong komunidad? Ikalat ang magandang kondisyon sa papamagitan ng pagtanaw ng utang na loob ngayon- maaaring ito ay sa tagapangasiwa ng pagsisiyasat, tagahatid ng sulat, loakl na boluntaryo…kahit sino man na tumutulong sa iyong komunidad.
Maari mong ipakita nag pagtanaw ng utang na loob sa iyong paligid ngayon sa pamamagitan ng:
- Paggamit ng ating poster upang magpasalamat sa isang tao na nakasalamuha mo ngayon.
- Mayroon ka bang kilala na napakalaki ng naitulong sa komunidad?
- Banggitin ang kanilang kontribusyon sa mga pagpupulong, sa Facebook ng komunidad, o kaya ay sa mag lokal na dyaryo.
- Maging malikhain at gumawa ng isnag baagy para sa isang tao na pinagtatanawan mo ng utang na loob. Maaring ito ay isang pagguhit ng simpleng larawan, pagsulat ng mensahe kung paano mo sila pinapahalagahan.
- Maghanda ng isang sorpresa para sa isang kaibigan o kapamilya na iyong pinagtatanawan ng utang na loob. Gawin ang paborito nilang gawain, makisaya sa pagkonekta sa kanila.
- Mayroon ka bang kapitbahay na nakatulong sa iyo sa ano mang paraan?
Pasalamatan sila sa pamamagitan ng pag imbitang magmerienda, o kaya ay ibalik sa kanila ang pabor sa ano mang paraan.
- Mag iwan ng mensahe sa lamesa ng kasamahan sa trabaho upang pasalamatan sila sa kanilang pagtulong . Bigyan din sila ng munting regalo upang maging masaya ang aarw nila.
- Maglaan ng panahon sa iyong sarili ngayon sa pamamagitan ng pagsusulat ng tatlong bagay na ipinagpapasalamat mo ngayon. Magmuni muni sa mga bagay na iyong pinasasalamatan at ito ay makakatulong sa iyo na maranasan ang magandang pakiramadam
- I-tsek Sparklers’ Compliment Postersand Gratitude O’Clock na Gawain upang makatulong ito sa iyong mga anak na ugaliin na tumanawng utang na loob.